WebClick Tracer

Alden Richards, bahagi ng creative team ng ‘Victor Magtanggol’

Hindi lang artista si Alden Richards sa magsisimulang fantaseryeng “Victor Magtanggol” kundi’y bahagi rin siya ng creative team.

Masaya ang Pambansang Bae dahil finally, ipalalabas na ngayong gabi ang proyektong anila’y pinaghirapan nilang lahat.

“Long wait is over,” simula ng award-winning Kapuso actor. “Parang nagkaroon ako ng inhibitions with a project this big. Ako po ba talaga ang gusto ninyo for this project?”

Mahirap ba maging fit for the role bilang Victor Magtanggol?

“Mahirap kasi ang role ko hindi basta-basta. Part of the hardship. So ‘yun po ang naging struggle during the creative process ng ‘Magtanggol’ and yet here we are, nandito na tayo,” pagmamalaki niya.

At ang pakiramdam ni Alden bilang bahagi siya ng creative team ng fantaserye?

“Malaking honor po,” wika ng aktor, “kasi sa eight years na po ko sa industriya, hindi ko pa na-experience maging part ng creative process. Nakasanayan ko po, in layman’s term, spoonfed. Lahat nang nakasulat sa script, I just have to deliver because that is my job as an actor. Mas iba ang nabibigay na ownership sa artista kapag nabigyan sila ng chance maging part ng creative team.”

How do you go about being part of the creative team?

“I read the script from start to finish. Kahit hindi ko part. On my point of view, nagbibigay ako ng mga suggestion,” saad ng bagong superhero ng bayan.

So may mga mapapanood na eksena na galing saiyo?

“Yes, meron pong mga eksena rito. Abangan ninyo na lang po kapag on air na. Ganu’n po kasi ang entitlement na ibinigay sa akin sa ‘Victor Magtanggol’ kaya ‘yun pong pagmamahal ko sa soap ay sobra-sobra,” pagtatapat ni Alden.

Mapapanood sa primetime ang “Victor Magtanggol” at mula ito sa direksyon ni Dominic Zapata.

Maliban kay Alden, kasama rin sa stellar cast sina Coney Reyes, John Estrada, Andrea Torres, Pancho Magno, Miguel Faustman at Conan Stevens bilang Thor.

Kabilang din sina Janine Gutierrez, Kristoffer Martin, Al Tantay, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Lindsay de Vera, Reese Tuazon, Yuan Francisco, Freddie Webb, Maritoni Fernandez, at Eric Quizon.

“Victor Magtanggol” is Alden’s biggest, grandest and most challenging role to date. It premieres tonight pagkatapos ng “24 Oras” sa telebabad block ng GMA.

TELETABLOID

Follow Abante News on