WebClick Tracer

Bello inakusahan muli ng korapsiyon

Nahaharap sa panibagong alegasyon ng korapsiyon si Labor Sec. Silvestre Bello III.

Ito umano ay dahil sa pagtanggap niya ng mga regalo at paghingi ng suhol.

Base sa akusasyon ni Amanda Araneta, may-ari ng isang recruitment agency, binigyan niya umano ng mahigit P100,000 na cash gift si Bello.

Matapos nito ay nanghingi pa umano ang kalihim ng P10 milyon para aprubahan ang lisensiya ng kanyang ahensiya.

Matatandaang isang linggo pa lang ang nakalilipas nang manawagan ang labor group sa pagbibitiw ni Bello matapos itong masangkot sa extortion laban sa employment agencies.

Itinanggi na ni Bello ang mga paratang at hinamon pa ang mga nag-aakusa na magsampa ng kaso laban sa kanya.

Ani Bello, ang naturang mga paratang umano ay para idiskaril ang aplikasyon niya sa Office of the Ombudsman o gumagawa lang ng istorya para palitan siya bilang Labor chief. ()

TELETABLOID

Follow Abante News on