WebClick Tracer

Suspek sa pagpatay kay Fr. Nilo, hindi fall guy – PNP

Iginiit ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na hindi “fall guy” o hindi totoong suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo ang naaresto nilang si Adell Roll Milan.

Paliwanag ng opisyal hindi magagawa ng PNP ang dumakip ng isang indibidwal para lamang masabing may mabilis na aksiyon ang PNP sa krimen.

Kung ginawa aniya nila ito ay wala nang imbestigasyon sa kaso, ngunit nagpapatuloy pa rin aniya ang pagsisiyasat.

Tatlong beses aniyang kinumpirma ng altar boy sa kapilya ang itsura ng suspek na bumaril kay Father Nilo .

Ang altar boy aniya ay isang beses lamang nilang nakausap kaya malabong masulsulan ito ng mga pulis, halos mga pari aniya ang kasama ng altar boy na nagtanong rin sa sa kanya kung tama ang kanyang itinuro.

Lumabas ang isyu na fall guy ang naarestong si Milan matapos ang mga naging reaksyon ng mga kakilala at kaibigan ng suspek.

Sa reaksyon ng mga ito na bagamat dating gumagamit ng iligal na droga ang suspek ay wala itong kinaharap na anumang kaso.

TELETABLOID