WebClick Tracer

Suspek sa tangkang pagpatay, arestado sa Tondo

handcuffed

Timbog ang suspek sa tangkang pagpatay sa No. 1594 Pitong Gatang St., cor. Franco St., Brgy. 65 Zone 6 sa Tondo, Maynila.

Nadakip ang suspek na si Alfie Aber pasado alas-dos ng hapon ng Linggo (Hunyo 17) sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 14.

Nasakote ang suspek ng Tracker and Monitoring Response Team ng Raxabago-Tondo Police Station sa pangunguna ni Police Chief Inspector Romeo Estabillo nang mamataan ito sa nabanggit na lugar.

Dinala na sa Station 1 ng Manila Police District ang suspek para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

TELETABLOID