WebClick Tracer

43 points ni Balkman, nag-akay sa SMB kontra TNT

balkman

Binalikat ni import Renaldo Balkman ang defending champion San Miguel Beer para makulimbat ang 99-94 na panalo laban sa TNT sa PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena kagabi.

Tumapos na may 43 points, 15 rebounds at 4 assists si Balkman para sa Beermen.

Dalawang ejection ang nagpainit sa laro, napatalsik sina Marcio Lassiter at Arwind Santos ng SMB, maging sina Terrence Romeo at Anthony Semerad ng KaTropa dahil sa pisikalan.

Naglaro ang San Miguel na wala si Christian Standhardinger dahil sa injury at natapyasan pa nang mapaalis sa playing court sina Lassiter at Santos.

“In the last few days ang hirap tumawa, kasi we lost an important game against GlobalPort,” sabi ni Beermen coach Leo Austria.

“Thankful naman kami dahil we were able to survive against Talk N Text. They know the importance of this game.”

Dahil sa panalo, nakitabla sa 4-4 record ang Beermen sa Magnolia at Globalport para sa 5th hanggang 7th spots.

TELETABLOID