WebClick Tracer

Belingon patatahimikin ang Australian ‘ONE’ king

Kasado na ang bakbakan ng Pinoy na si Kevin ‘The Silencer’ Belingon at ng Australian reigning ONE Championship featherweight at flyweight champion Martin ‘The Situ-Asian’ Nguyen sa Hulyo 27 sa Mall of Asia Arena para sa Interim ONE Bantamweight World Champion title.

Kinumpirma ni ONE Championship CEO and chairman Chatri Sityodtong ang naturang event sa kanyang Facebook page noong Huwebes ng hapon.

Huling sumabak sa octagon si Belingon (18-5) noong 2016 nang talunin siya ng Brazilian na si Bibiano Fernandes at bumalik ang angas ng tubong Baguio nang talunin niya ang ilang MMA fighter gaya ni Toni Tauru, Reece McLaren at Andrew Leone.

Si Nguyen (11-2) naman ay matagumpay na nadepensahan ang kanyang featherweight title kontra Christian Lee noong nakaraang buwan sa Singapore.

Bukod sa laban ng dalawa, masasaksihan din ang retirement match ng dalawang MMA legend na sina Renzo Gracie at Yuki Kondo maging ang laban sa pagitan nina Shinya Aoki at Shannon Wiratchai.

TELETABLOID