WebClick Tracer

Max natakot magsalita sa masamang ugali ni Atom

Hindi na raw nagulat si Max Collins nang malaman niya ang isyu sa pagitan ng director ng pelikula nilang Citizen Jake at ng leading man niya at lead ng pelikula na si Atom Araullo.

Sabi nga ni Max, “No, I wasn’t shocked. Their personalities is always constrasting.”

Halos lahat yata ng eksena ni Max bilang si Mandy sa Citizen Jake ay ka-eksena niya si Atom Araullo. At siyempre, given na nandoon si Direk Mike bilang writer/director nga ng movie.

Nang tanungin namin si Max kung siya, bilang palagi nga niyang ka-eksena si Atom sa mga Baguio location niya kung nakita niya rin ba ‘yung mga tila negatibong katangian daw ng journalist base sa mga naging pahayag ni Direk Mike sa statement nito.

Pero mabilis na umiwas si Max na masangkot pa sa isyu ng dalawa. Natatawang sabi niya, “Ayoko nang mag-comment tungkol diyan. I’ll just avoid commenting about it. I wanna avoid commenting.”

Sila naman daw ni Direk Mike bilang isa sa cast ng movie ay naging maayos naman daw ang working relationship.

“I never really had a problem. With the moods that they said about him, I didn’t know about that, I wasn’t aware about that so I didn’t came in really scared, it’s more of I’m awe of him.

“Iba siya e, siyempre, he’s a legend.”

Kay Atom naman daw, ang masasabi ni Max ay interesting daw to work with Atom at sey pa niya, “He has a lot to say and he’s very smart.”

Isa si Max sa cast ng Citizen Jake, gayundin si Gabby Eigenmann at ang director nila na si Direk Mike na dumalo­ sa ini-sponsor na block screenin­g ng kanilang ta­lent management, ang PPL Entertainment, Inc. sa Vertis North Cinema noong Biyernes nang gabi. (Rose Garcia)

TELETABLOID

Follow Abante News on