WebClick Tracer

Rico J. Puno walang kupas ang kalaswaan

rico

Noong Friday naman, nag-concert si Rico J. Puno sa Music Museum na ang producer ay si Daisy Romualdez. In fairness, dinagsa ng senior citizens ang concert na ‘yon dahil kasama rin naman doon ni Rico sina Victor Wood, Carmen Soriano, Mitch Valdes.

Pero ang reklamo nga lang ni Victor sa venue nila, ang taas daw ng hagdanan at ang hirap umakyat ng katulad niyang senior citizen, huh!

Wala naman kasing elevator ang Music Museum, kaya ang sabi ng ibang mga nanood, hindi senior citizen-friendly ang lugar na ‘yon, ‘noh?!

Ewan ko nga lang kung biro o totoo na ang dialogue ni Victor na first and last time niyang magsu-show ‘yon sa lugar na ‘yon dahil nahirapan nga siyang umakyat.

Anyway, wala pa ring kupas si Rico sa pagsu-show dahil performer talaga siya!

Aliw na aliw sa green jokes niya ang mga nanood dahil wala pa rin siyang kupas sa kalaswaan. ‘Kakaloka nga, pero tatak-Rico J. na ‘yon at accepted siya ng tao sa ganoon!

Napansin nga lang ng audience, lalo na ni Annabelle Rama na isa sa nag-support kay Tita Daisy, na ang sigla-sigla na naman ni Rico at naka-recover na ito sa ilang beses na atake sa puso!

Samantala, nakita ko rin sa concert na ‘yon ang veteran actress na si Gloria Romero na isa sa best friends sa showbiz ni Tita Daisy. Mukhang nag-enjoy rin si Tita Gloria sa concert at past 11:00PM na rin siya umalis sa Music Museum kasama ang anak niyang si Maritess Gutierrez.

TELETABLOID

Follow Abante News on