WebClick Tracer

Jackie, Yasmien madalas sigawan ni Direk Neal

jackie

Hindi pala kayang magdalawang show o project si Jackie Rice. Kapag pala may show siya at isa siya sa major character ay binibigyan niya talaga ng atensyon ang role na pinagagawa sa kanya.

Gaya sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka kung saan siya ang kontrabida ni Yasmien Kurdi. Bago pa man daw siya dumating sa set ay kabisado na niya ang mga line niya at alam na niya ang gagawin. Ang taping pa naman ay inaabot na nang umaga. Kaya sa day-off niya ay maghapon siyang natutulog at nagrereklamo pa na wala na siyang social life.

Kaya nagpaplano siyang humingi ng bakasyon kapag natapos ang kasalukuyan ginagawa niya. Maski nga sa Bubble Gang ay nag-leave muna siya para mas maka-focus sa teleseryeng ito na mukhang magtatagal dahil sa mataas na rating nito.

Nabanggit nga ni Direk Neal del Rosario na hindi nila expected na mae-extend ang show dahil sa mataas na rating. Ang maganda pa raw sa teleseryeng ito ay para silang isang buong pamilya na nasa isang tent ang cast na panay ang bonding at chikahan na minsan ay nasisigawan na niya dahil kailangan sila sa blocking.

TELETABLOID

Follow Abante News on