WebClick Tracer

Senate committee na dating hawak ni de Lima, inagaw ni Koko

koko-pimentel-5

Natupad rin ang wish ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na pamunuan ang Senate committee on electoral reforms at people’s participation.

Ito’y matapos siyang iluklok ng kanyang mga kasama para pamunuan ang komite na dating hawak ni Senador Leila de Lima na nakakulong ngayon sa Camp Crame.

Kapalit naman nito, inalagay si De Lima bilang chair ng committee on social justice, welfare and rural development na dating hawak ni Senadora Nancy Binay.

Ang pagtalaga kay Pimentel sa electoral reforms committee ay inihayag ni Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Nauna nang itinalaga si Pimentel bilang chair ng committee on trade, commers and entrepreneurship matapos siyang palitan ni Senador Vicente Sotto III bilang bagong pinuno ng Senado.

TELETABLOID