WebClick Tracer

Theme song ng ‘Victor Magtanggol’ ni Alden Richards, komposisyon ng Ex-Battalion

xb

Marami-marami na ring nagampanang role ang Pambansang Bae na si Alden Richards. At sa bawat papel na ginagamapanan niya, itinuturing niya itong espesyal.

Sa kanyang latest project na “Victor Magtanggol” na mapapanood very soon sa primetime ng GMA Network, itinuturing niya itong extra special.

“Isa sa mga kinonsider ko sa bagong project na ito is sana kung challenging man ‘yung mga role na nagawa ko before, mas extra ito,” pag-amin ng award-winning actor.

Sa bagong seryeng ginagawa ngayon ni Alden- na isang family drama, action, adventure at fantasy- hindi lang siya bibida. Siya rin ang kakanta ng OST ng “Victor Magtanggol” titled “Super Hero Ko” kung saan kasama niya ang hip hop group na Ex- Battalion o mas kilala bilang ExB na siya ring sumulat ng awitin.

Napasabak pa sa pag-rap si Alden ng i-record niya ang OST kasama ang sikat na online sensation.

Samantala, sobrang saya naman ng ExB members na sina Mark, FlowG at Daryl nang makasama sa recording si Alden. Swak na swak nga raw sa “Victor Magtanggol” ang kantang kinompose nila dahil ito ang nais nilang ipahatid na mensahe ng programa.

“Ang ‘Victor Magtanggol’ po is about family drama, adventure at fantasy so bagay na bagay ‘yung kanta para sa soap na ito,” dagdag pa ni Alden.

TELETABLOID

Follow Abante News on