WebClick Tracer

‘Shooting victim,’ namatay habang humihingi ng saklolo sa kapitbahay

gun-toting

Nakabulagta pa sa Mangga St. sa Barangay Pagasa, Quezon City nang abutan ng mga miyembro ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang babae na biktima ng pamamaril.

Nakilala lamang ang biktima sa pangalang “Amy” na residente sa nasabing lugar.

Ayon sa mga saksi, binaril ang biktima sa katabing kalye ng Acacia St. ng hindi pa nakilalang suspek na sinasabing 3 beses na nagpaputok.

Nabatid naghanap din ng saklolo ang biktima pero walang naglakas ng loob na tumulong kaya tuluyan itong nasawi pagdating sa Mangga St.

Dahil dito, wala ding nakakita sa suspek na agad na tumakas matapos ang pamamaril.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang 3 basyo ng bala ng baril.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa likod ng pagpatay.

TELETABLOID

Follow Abante News on