WebClick Tracer

Mga sagabal sa daan ‘winalis’ sa Tondo

tondo

Nagsagawa ng clearing operations sa Tondo, Maynila ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nitong Huwebes.

Tinanggal ng MMDA at MTPB ang lahat ng mga sagabal sa daanan gaya ng iba’t ibang bakal, gulong, sirang gamit, bisikleta, lamesa, upuan at kung anu-ano pa.

Hindi rin nakaligtas sa mata ng mga operatiba ang improvised swimming pool na gawa sa tarpaulin.

Ayon sa MMDA, delikado umano ang itinayong pool na pinaliliguan ng mga bata dahil maaari itong mahagip ng mga dumadaang sasakyan.

Paliwanag naman ng MTPB, hindi nila sariling palo ang clearing ops dahil utos umano ito ni Manila Mayor Joseph Estrada, na makipagtulungan sila sa MMDA.

TELETABLOID

Follow Abante News on