WebClick Tracer

Dingdong humahamig ng parangal

Sunod-sunod ang rekognisyon na natatatanggap ni Dingdong Dantes sa naging pagganap niya sa Seven Sundays. Personal niyang tinanggap ang Pinaka-Pasadong Actor sa 20th Gawad Pasado Award.

Kagabi naman, ang 49th Box-Office Entertainment Awards (GMMSF) kunsaan, siya ang itinanghal na Film Actor of the Year (Seven Sundays) at si Marian Rivera naman bilang Best Female TV Host (Sunday Pinasaya).

At sa FAMAS naman, nominado si Dingdong bilang Best Actor of the same movie. Nagkataon, magkaiba sila ng nominasyon ng co-star niya na si Aga Muhlach. Ang huli ay sa pagka-Best Supporting Actor na-nominate.

Sabi naman ni Dong, “Well, unang-una hindi ko po alam ang naging system nila of determining kung sino ang karapat-dapat. But of course, I’m grateful with the nomination at para sa akin, malaking bagay na yun.

“And whatever it is, I owe everything, lahat ng naging performance ko, karamihan kay Kuya Aga (Muhlach) and siyempre kay Direk Cathy (Garcia-Molina) at sa buong cast but mainly sa kanya dahil naging Kuya talaga siya sa amin du’n. For us to be able to portray a character like that, kailangan immersed ka sa set, sa pamilya dahil pamilya ang pinag-uusapan namin dun.

“Para sa akin, siya ang Best Actor,” pahayag ni Dingdong tungkol kay Aga.

Sa ngayon, ang pagbabalik niya sa VIVA sa pamamagitan ng Sid & Aya (Not a Love Story) na mapapanood na sa May 30 ang unang dapat abangan sa kanya at sa unang pagtatambal nila ni Anne Curtis.

Posible rin na babalik sa pagpu-produce si Dingdong through his Agostodos Production. Ayon sa Kapuso Primetime King, may pini-prepare raw sila at posibleng partnership din sila sa ibang producers.

TELETABLOID

Follow Abante News on