WebClick Tracer

Tricycle driver, arestado sa ‘shabu burger’

shabu91

Inaresto at sinampahan na ng kaso ang isang tricycle driver matapos nitong tangkaing magpuslit ng shabu na nakalagay sa hamburger sa isang istasyon ng pulisya sa Quezon City.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kinakaharap ni Roel Sales, 30, ng Barangay Bago Bantay.

Inaresto siya noong Sabado nang maghahatid sana ng pagkain kay Jopher Guevarra, na nakakulong dahil sa iligal na droga sa Talipapa police station.

Itinago ni Sales ang dalawang sachets ng shabu sa hamburgers.

Pero ayon kay Sales sa panayam sa telebisyon, binayaran lang siya ng P300 para ibigay kay Guevarra ang hamburgers at hindi nito alam na may shabu pa lang nakapalaman dito.

TELETABLOID

Follow Abante News on