WebClick Tracer

Mga nakapila sa Comelec, muntik araruhin ng nakainom na driver

comelec1

Dinala sa tanggapan ng Manila Police ang isang lalaki matapos nitong muntik nang masagasaan ang hilera ng mga tao na naghahain ng kanilang certificate of candidacy sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros sa Ermita, Manila.

Nabatid na nakainom ang driver ng kulay puting Subaru SUV na may plakang ALA-4602 na si Alexander Chiang Arcenal, 46-anyos, residente ng Quezon City.

Ayon kay SPO4 Ronald Magpantay, pasado alas-7:15 ng umaga ng Biyernes nang mangyari ang insidente.

Nagdire-diretso sa hanay ng mga nakapila sa Comelec ang sasakyan ng suspek.

Nagtaka rin ang mga tao kung bakit doon idinaan ng suspek ang kanyang sasakyan gayong makipot ang daan at marami ang mga nakapila para maghain ng kanilang Certificate of Candidacy.

Nang sitahin ng mga pulis ang lalaki at buksan nito ang bintana ng kanyang sasakyan ay nangamoy alak ito.

Sinubukan pang tumakas ng suspek pero kaagad siyang naharang ng mga tao at mga pulis na nakatalaga sa lugar.

Nahaharap ngayon sa iba’t ibang kaso ang suspek.

TELETABLOID

Follow Abante News on