WebClick Tracer

MTPB official itinumba sa loob ng opisina

soco6

Dead on the spot ang isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang satellite office sa Barangay 275, Parola Compound, Binondo, Maynila.

Batay sa imbestigasyon ng MPD Station 11, kinilala ang biktima na si Tranquilino Vuelga, 61-anyos, OIC ng MTPB Task Force Parola.

Ayon sa Station11, dakong alas-11:30 ng umaga nang pasukin ang opisina ng isang lalaki na nakasuot ng facemask at sumbrero saka pinagbabaril ang biktima.

Pagkabaril sa biktima, naglakad patawid ng kalsada ang salarin at tumakas.

Nire-review na ng mga pulis ang CCTV sa lugar kung nahagip ang pagpasok ng salarin sa opisina habang blangko pa sila sa motibo sa pamamaslang.

TELETABLOID

Follow Abante News on