WebClick Tracer

11 kabataan huli sa inuman

inuman

Naudlot ang kasiyahan ng labing-isang menor-de-edad na kabataan matapos na bitbitin ng mga pulis at barangay tanod habang nag-iinuman sa mga pampublikong lugar sa Quezon City.

Ayon kay sa hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station 3 na si Supt. Danilo Mendoza, ang mga dinakip na kabataan ay pawang nasa edad 13 hanggang 16.

Batay sa ulat, dinakip ang mga naturang kabataan sa mga lugar ng Brgy. Baesa, dakong alas-12:00 ng hating gabi hanggang alas-3:40 ng madaling araw.

Nabatid kay Mendoza na nagsagawa ng operasyon ang kaniyang mga tauhan kasama ang Barangay Public Safety Officer (BPSO) ng Brgy.Baesa, at Women and Children Protection Desk ng Talipapa Police Station, laban sa mga kabataan na nag-iinuman sa kalye at naka-istambay sa dis- oras ng gabi .

Ayon sa QC police ang naturang operasyon ay inilunsad bilang Rid the Streets of Drunkards and Youth (Oplan Rody).

Binalaan din ng mga awtoridad ang mga magulang ng mga kabataang madadakip na nag-iinuman at gumagala pa sa dis-oras ng gabi na maging sila ay papanagutin kung hindi nila masasawata ang kanilang mga anak.

TELETABLOID

Follow Abante News on