WebClick Tracer

Jeepney driver binugbog ng pulis-Mandaluyong

Putok ang noo at duguan ang mukha ng isang jeepney driver matapos na bugbugin ng isang pulis at kapatid nito sa Sta Ana, Maynila.

Sa reklamo ng biktimang si Romnick Mallari (29) kay Barangay Chairman Reynaldo Martinez ng Barangay 800 Zone 87, tahimik siyang umiinom ng alak sa labas ng kanyang bahay nang lapitan ng kapitbahay na si Roland Asistio, isang kilalang adik sa lugar at alukin ng shabu.

Nang tumanggi, tinawag ng kapitbahay ang kanyang mga kaanak kasama ang kapatid na si PO1 Mike Asistio ng Mandaluyong PCP 1 at pinagtulungan ang biktima na hampasin ng paso at paluin ng baril sa ulo.

Dinala at ginagamot na sa Ospital ng Maynila ang biktima.

Hawak na rin ng Manila Police District-General Assignment Section ang kaso ni Mallari na siyang tutugis sa suspek na tumakas matapos ang pambubugbog.

Ipinauubaya naman ng Mandaluyong Police sa MPD ang pag-iimbestiga sa kanilang tauhan.

TELETABLOID

Follow Abante News on