WebClick Tracer

Coco hari pa rin ng primetime

ABS-CBN pa rin ang pinakapinanood na TV network sa buong bansa noong Marso matapos nitong maghari sa top ten list ng mga pinakapinanood na programa at magkamit ng average audience share na 46% (hindi kabilang ang Holy Week), laban sa 32% ng GMA, ayon sa datos ng Kantar Media.

Nanguna ang Kapamilya network sa bawat sulok ng bansa, partikular na sa Metro Manila, kung saan nagkamit ito ng average audience share na 42%, kumpara sa 27% ng GMA, at sa Mega Manila, kung saan nagkamit naman ito ng average audience share na 37% laban sa 35% ng kalaban. Sa Total Luzon ay nagrehistro ito ng 42% laban sa 35% ng katapat, sa Total Visayas ay 56%, laban sa 25% nila, at sa Total Mindanao sa pagkamit naman nito ng 54%, at tinalo ang GMA na may 28%.

Nanatili pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (41.3%) sa trono nito noong Marso bilang numero unong serye sa bansa, na sinundan naman ng reality-talent search na Pilipinas Got Talent (38.1%). Wagi rin ang pagtatapos ng La Luna Sangre (37.2%), maging ang sumunod na serye sa timeslot nito na Bagani (33.4%).

Ang MMK ay humamig ng 31%, at ang TV Patrol ay 30.7%.

Panalo rin ang Wansapanataym (25.8%), Home Sweetie Home (24.4%), Rated K (23.2%), at ang The Blood Sisters (21.3%).

Ang ABS-CBN rin ang nanguna sa lahat ng timeblocks, partikular na sa primetime block (6 PM to 12 MN) na nagkamit ng 51% laban sa 30% ng kalaban.

Sa morning block (6 AM to 12 NN) ay nakakuha ng 39% ang Dos kumpara sa 32% ng kalaban, sa noontime block (12 NN to 3 PM) na pumalo sa 45%, laban sa 35% ng katapat, at sa afternoon block (3 PM to 6 PM) ay humamig sila ng 45%, at tinalo ang 36% ng katapat.

TELETABLOID

Follow Abante News on