WebClick Tracer

EO ni Duterte kailangan ng Kongreso para mahinto ang ‘endo’ – Villanueva

joel-villanueva

Hindi lang ang samahan ng mga manggagawa ang naghihintay ng executive order ng Malacanang na inaasahang magpapahinto sa kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa.

Sinabi ni Senador Joel Villanueva, chairman ng senate committee on labor, na hinihintay din nila sa Senado ang direktiba ng Malacanang.

Kailangan aniya ito para maging framework at gabay para sa binubuo na niyang committee report ukol sa mga panukalang batas na layong ipagbawal ang labor contractualization.

Idiniin na kapag gumawa ang konggreso ng batas laban sa kontraktuwalisasyon, ang executive department particular ang Department of Labor and Employment ang magpapatupad kaya mahalagang maipasok sa batas ang posisyon dito ng Malacanang.

Sa mga pagdinig ukol dito, sinabi ni Villanueva na dumalo ang DOLE pero hindi naman nagbigay ng maliwanag na posisyon ukol o laban sa contractualization

Una rito, sinabi ng Malacanang na hindi nito tuluyang maiuutos ang total ban sa contractualization sa pamamagitan ng isa lamang executive order.

Kailangan anila ng batas na lilikhain ng Kongreso pero Malacanang naman ang hinihintay ng Senado.

TELETABLOID