WebClick Tracer

KathNiel, Richard naki-bonding sa mga fan sa Bulacan, Pampanga

daniel-richard

Sinorpresa ng Kapamilya stars sakay ng Sorpresaya Truck ng ABS-CBN ang libo-libong mga fan sa Bulacan at Pampanga para magbigay ng saya at maghatid ng public service. Sa halip na ang mga tagahanga ng ABS-CBN ang bumiyahe papuntang Metro Manila, ang mga Kapamilya star ang nagpunta sa Pulilan, Mabalacat, Baliuag, Guiguinto, at Arayat para magkaroon sila ng mas makabuluhang bonding kasama ang kanilang mga fan.

Dinagsa ng 8,000 mga fan ang pagpunta ng Sorpresaya Truck sa Mabalacat, Pampanga kung saan malakas ang tilian nang magpakitang gilas sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Richard Gutierrez.

Naging usap-usapan din ang Sorpresaya Truck sa Twitter. Umaapaw sa saya ang naramdaman ni Twitter user @edmiragrace dahil sa pagkakataon na makita nang personal ang kanyang mga idolo. ‘Sulit yung 7hrs na pagtayo at pagtiis sa init.’

Bukod sa Kathniel at kay Richard Gutierrez, isang all-out dance performance ang ipinakita ng Hashtags, habang ilang maswerteng audience naman ang nakapagtanong sa kanilang paboritong Kapamilya stars para mas makilala pa nila ang mga idolo.

Nakipag-bonding din ang stars ng The Good Son, Asintado, at Sana Dalawa ang Puso Ko sa mga fan nila sa Pulilan at Guiguinto, Bulacan kung saan hinarana nila ang mga dumalo ng iba’t ibang kanta.

Masaya rin ang naging karanasan ng mga Kapamilya sa Arayat, Pampanga at Baliuag, Bulacan kung saan binisita sila ng cast ng Hanggang Saan, It’s Showtime Hashtags, Team YeY kids, at sina Kuya Jobert at Shine Kuk ng Banana Sundae.

Nagkaroon din ng job fair, livelihood program, storytelling sessions, at seminars tampok ang iba’t ibang topics kabilang na ang financial literacy, citizen journalism, at crime prevention.

TELETABLOID

Follow Abante News on