WebClick Tracer

Walker, Hornets tinambakan ang Grizzlies ng 61 points!

Dumale ng 35 sa kanyang 46 points si Kemba Walker sa first half para itala ng Charlotte Hornets ang pinakamalaking agwat sa franchise history sa 140-79 paggutay sa bumisitang Memphis Grizzlies nitong Huwebes (Biyernes, oras sa Pinas).

Nairekord ni Walker ang 55th career game niya na may 30 points, na bumasag sa tablahan nila ni Glen Rice sa franchise history.

Nakagawa rin siya ng franchise record sa pagbuslo ng 10 3-pointers, kung saan nakatabla niya si Golden State guard Stephen Curry para sa pinakamaraming 3-pointers sa isang laro ngayong season.

Lumobo ang abante ng Charlotte sa 55 points matapos ang tatlong quarters at namaga pa ito ng hanggang 65 points sa fourth.

Ayon sa ESPN Stats and Information, naihilera ang abante ng Charlotte sa pinakamalaking lamang sa kasaysayan sa naitala ng Minnesota Timberwolves laban sa Chicago Bulls noong Nobyembre 8, 2001.

TELETABLOID

Follow Abante News on