WebClick Tracer

DAILY RADAR: Dating Kapatid star na si Shaira Mae, bahagi na ng GMA Artist Center

shaira-mae

Bahagi na nang lumalaking pamilya ng GMA Artist Center (GMAAC) ang former TV5’s “Artista Academy” graduate na si Shaira Mae de la Cruz.

Kaninang hapon, kasama ang iba pang GMAAC stars, ipinakilala na sila sa entertainment press. Kinabibilangan ito nina Shaira Mae, Joaquin Manansala, Patricia Tumulak, Kelly Day, Donita Nose, grupong JBK (Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Lawrenz) at Kyline Alcantara who’s making waves via her kontrabida role in “Kambal, Karibal” nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Natutuwa kami kay Shaira. Nu’ng panahon ng “Artista Academy,” madalas naming marinig sa mga kapwa writer na isa siya sa itinuturing na future stars ng TV5.

Kaso nagsara ang entertainment department ng Kapatid Network at wala silang choice but to transfer to another network. Bago pumirma ng kontrata sa GMAAC, naging bahagi si Shaira ng “Trops” na pinagbidahan ng “That’s My Bae” ng “Eat Bulaga.”

Now that she’s with GMA, “Eto sobrang happy and excited sa mga io-offer nilang project sa akin,” sambit ni Shaira nang makausap namin via direct message sa Twitter.

She adds, “Willing to wait naman ako. Ang sarap kasi fresh start! At bagong environment!”

TELETABLOID

Follow Abante News on