WebClick Tracer

Sam, Yassi malakas ang chemistry

Dapat pala ay nasa Hollywood ngayon si Sam Milby dahil may tawag daw sa kanya ang kanyang manager sa US for an audition sa isang TV series doon. Isa sana ito sa mga pagkakataong ayaw niyang palampasin dahil noon pa man ay pabalik-balik na siya sa States para hanapin ang kanyang kapalaran sa international scene.

Pero, nagkataon naman na nasa kasagsagan sila ng promo ng pelikulang Ang Pambansang Third Wheel with Yassi Pressman at dumating pa ang isang teleserye sa kanya, kaya hindi siya nakalipad.

Sa premiere night ng pelikulang ito ng Viva Films na ginanap sa SM Megamall, may himig nang panghihinayang ang Kapamilya actor, pero wala talaga siyang choice.

May mga commitment siya rito na hindi dapat ipagpaliban kaya bye-bye sa American dream for the meantime lang naman.

Hindi naman daw nagtatapos ang dream na yun sa isang hindi napuntahang audition kaya kapag may mahaba-haba na siyang time, ipu-pursue pa rin daw niya ito.

Meanwhile, masasabing tagumpay ang red carpet premiere night na iyon na sinuportahan ng ilang Viva talents including Ryza Cenon, ang FBOIS ng Viva, si Boss Vic del Rosario at marami pang iba.

May chemistry naman sina Sam at Yassi na bagay sa kanila ang kani-kanilang roles lalo na si Yassi na okey naman pala sa comedy.

TELETABLOID

Follow Abante News on