WebClick Tracer

Aquino pinahaharap sa Comelec

Ipinatawag na ng Commission on Elections (Comelec) si dating Pangulong Benigno Aquino at dalawa nitong dating opisyal bunsod ng reklamong paglabag sa election law kaugnay sa kontrobersiyal na dengue vaccination program.

Iniutos ng Comelec law department kina Aquino, dating Budget Secretary Florencio Abad at dating Health Secretary Janet Garin na humarap sa preliminary hearing na gaganapin sa March 15.

Inireklamo ang tatlong dating opisyal ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) dahil sa pagpapatupad ng immunization program nuong April 4, 2016, na sakop ng 45-day election ban sa mga proyekto ng pamahalaan.

Inakusahan ng VACC ang dating Pangulo na ipinatupad ang naturang programa ng hindi humihingi ng exemption mula sa Comelec bunsod ng magaganap na May 16 elections.

TELETABLOID

Follow Abante News on