WebClick Tracer

Thai actress ipinalit ni Alden kay Maine

alden richards

Isang sikat na Thai actress at hindi si Maine Mendoza ang magiging leading lady ni Pambansang Bae Alden Richards sa gagawin nitong international movie na isang partnership ng GMA Network at JKN Global Media.

Makakasama rin sa naturang project ang Thai Superstar na si Mario Maurer.

Unang napanood si Maurer sa pelikulang Suddenly It’s Magic noong 2012 opposite Erich Gonzales.

Matagal nang naging usap-usapan na may isang Thai billionaire na gustong kunin si Alden para sa pelikulang ipu-produce niya.

Kaya heto at mukhang matutuloy na ang proyekto na ito.

Pag-uusapan pa raw ng GMA at JKN ang magiging concept ng movie dahil malaking budge­t ang nakalaan dito.

Magandang move ito para sa career ni Alden pagkatapos na makakuha ng nomination sa Best Docu-drama sa New York Festival’s World TV & Film Awards ang pinagbidahan niyang Alaala: A Martial Law Special.

Within the year din magbibida si Alden sa isang GMA-7 telefantasya na may working title na Mytho.

TELETABLOID

Follow Abante News on