WebClick Tracer

DAILY RADAR: Bianca Umali, magde-debut sa himpapawid

bianca-umali

At dahil sa March 17 pa magaganap ang kanyang grand debut sa still undisclosed venue na inihanda ng GMA Artist Center (GMAAC) at GMA Network, lilipad bukas ang Kapuso teen actress na si Bianca Umali. Bukas ang kanyang actual birthday, March 2.

“Wala po ako (r)ito on my birthday. March 2 to 5, nasa Sorsogon po ako, bakasyon kami ng family tapos ikakasal din kasi ‘yung Kuya ko,” sambit ni Bianca nang makausap namin sa set ng “Kambal, Karibal” na pinagbibidahan nilang dalawa ni Miguel Tanfelix.

Sa debut niya sa March 17, mas nananaig daw ang kaba kaysa excitement.

“Kinakabahan po talaga ako. Hindi ko po alam, hindi ako nai-excite. Kinakabahan ako. Kahit po ako hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan,” wika ng dalaga.

Gusto niyang matanggap sa debut niya? “Wala po talaga,” tinuran ng aktres. “Ang alam ko lang, magi-eighteen ako, ‘yun lang. Wala akong wish, walang ano… hindi ko po alam kung bakit talaga.”

“Kinalakihan ko po talaga na hindi ko isineselebreyt ‘yung birthday ko. I think, the last time that I had a party was seven years old tapos nitong mga nakaraang party, gawa ng fans pero ‘yung personal na ‘Ay, gusto kong i-celebrate ‘yung birthday ko, I dont!’ Mas gusto kong nasa bahay lang, kakain lang with my family,” lahad pa ng aktres.

TELETABLOID

Follow Abante News on