WebClick Tracer

Alden sasabak sa acting workshop kay Vova

Finally, nagkaroon din ng pagkakataon si Alden Richards na makapaglaan ng oras para makapag-undergo ng isang advance acting workshop.

Simula sa Biyernes hanggang Linggo, tatlong araw na mag-a-acting workshop si Alden under New York Acting Professional Coach na si Vova.

Kung matatandaan last year, nag-imbita rin ang GMAAC ng workshopper mula sa America at ilang artists ng GMAAC ang nagsi-attend except Alden na talagang hindi raw maisingit sa schedule.

Ngayon daw, talagang sinigurado na ng Artist Center na makapaglaan ng oras ang actor para rito. Makakasama rin niya ang iba pang ­talents ng GMA.

Balitang tuloy na tuloy na talaga ang primetime series na gagawin ni Alden sa GMA-7 na kung masusunod ang konsepto na narinig namin para sa sariling teleserye niya, napakaganda nito at tama lang na gawin niya.

TELETABLOID

Follow Abante News on