WebClick Tracer

Yassi, boyfriend material ang tingin kay Sam Milby

Sa March 14 ang playdate sa cinemas nationwide ng Ang Pambansang Third Wheel, ang pelikula ng Viva Films na pinagbibidahan nina Yassi Pressman at Sam Milby.

Last year, ibinalita ni Yassi ang plano na palitan ng pamagat ang Ang Pambansang Third Wheel ng Isang Daang Habangbuhay na title ng single niya sa Viva Records.

Obviously, hindi natuloy ang balak dahil ipinapakita na ang full trailer ng Sam-Yassi movie at Ang Pambansang Third Wheel pa rin ang pamagat nito.

Aminado si Yassi na kinilig talaga siya kapag nakikita at nakakaeksena niya si Sam. Guwapo, mabait at boyfriend material nga ang deskripsiyon niya sa binata.

Nakarating din sa Abante ang impormasyon na si Marion Aunor ang diumano’y kakanta ng theme song ng pelikula nina Yassi at Sam.

TELETABLOID

Follow Abante News on