sabong-2
By

2018 World Pitmasters Cup finalists makukumpleto na

Sharing is caring!

Hindi kukulangin sa 125 sultada ang naghihintay sa mga opisyonado ngayon sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila sa pagkamada ng ikalawang araw ng semis ng ginaganap na the 2018 World Pitmasters Cup (Fiesta Editon) 9-Cock International Derby simula ika-10 ng umaga.

Papangunahan ang labanan ngayon araw ni PFGB-Digmaan Chairman Nestor Vendivil ng Nueva Ecija na magaang nakalusot sa eliminasyon matapos magtala ng 4 na panalo sa apat na laban gamit ang kanyang mga lahok na Oliver Chopper at Oliver Trainor.

Ang panadaigdigan pasabong na ito ay handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, sa pagtataguyod ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan; at suporta din ng Excellence, VNJ, LDI, Thor and Experto.

May tigalawang panalo din ang mga entries na Mt. Panamao 2 (Gov. Gerry Espina Jr.), City Of Santiago July 22 5-Cock Fiesta Derby (Ed Miranda), Emman #1 (Emman Eduarte), Poleman (Engr. Celso Salazar), BMY Farm 1 (VM B. Ynares), EDL Excellence (Doc Ayong Lorenzo),), E.S.M. Jobo (Lito Orillaza), JT/Boss Dondon 2 (Boss Dondon), Eman Goldline Spiderman (Atty. Eman Pichay/Jess Floro), Boyj/Jed (Boy Jimenez Jr.), King Arthur Spiderman (Art Atayde), Sagupaan Baby Stag/High Action P.A. & Inguel (Cong. Patrick Antonio), Pasay 4-Cock June 15 (Tony Lasala), Batang Makulit (Michael Chua/Jess Sta. Ines) at “Kaliwete” Ponciano (Raffy Zaide).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?