carlo
By

2018 World Cup of Pool crown sasarguhin nina Biado, De Luna

Sharing is caring!

Tutumbok si World 9-Ball champion Carlo Biado sa World Cup of Pool na gaganapin sa May 15 sa Shanghai, China.

Ayon kay current World Number One Biado, handa na siyang tumumbok at makipagsabayan sa mga matitikas ng cue artist sa buong mundo, kasama niyang pipina si veteran Jeff De Luna.

Dalawang beses nang sumasali si former golf caddie Biado sa World Cup of Pool, parehong umabot sa quarterfinals.

Pakay ng 34-year old at La Union pool maestro na maibalik ang korona sa Pilipinas, nagkampeon sa nasabing event sina Efren Reyes at Djanggo Bustamante noong 2006 at 2009 at duo nina Dennis Orcollo at Lee Van Corteza noong 2013.

Mapapalaban ang magkakamping sina Biado at De Luna sa 32 teams na kalahok kasama ang defending champion Austria.

May dalawang teams ang China dahil sila ang host, una nilang katapat ang Estonia.

Makakalaban naman ng second seeded Pinoy cue masters ang New Zealand sa round one.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?