25

By

2018 Palaro at PNG, magkasabay sa Abril

Sharing is caring!

Kung hindi maayos ang iskedyul, posibleng magkasabay ang dalawang pinakamalaking multi-event na torneo sa bansa, ang 2018 Palarong Pambansa na gaganapin sa Vigan City, Ilocos Sur at ang Philippine National Games na nakatakda ganapin sa Cebu City kapwa sa Abril.

Base sa Memorandum Circular ng 2017-2018 Calendar Year ng Department of Education (DepEd) na siyang namamahala at nag-oorganisa sa kada taong multi-sports na torneo para sa mga kabataang estudyante sa high school at elementarya ay isasagawa nito ang Palarong Pambansa sa Abril 16 hanggang 20, 2018.

Itinakda naman ang pagsasagawa ng PNG na inoorganisa ng Philippine Sports Commission matapos makansela sa orihinal nitong araw na gaganapin noong Disyembre sa Abril 15 hanggang 21 sa orihinal pa rin nitong lugar sa Abellana Sports Complex sa Cebu City.

Ang PNG ang pangunahing isinasagawa na try-out para sa lahat ng nagnanais maging miyembro ng pambansang koponan at nilalahukan mismo ng mga national at elite athletes bilang parte ng kanilang paghahanda at pagsasanay sa mga nakatakdang salihang lokal at internasyonal na torneo. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?