93
nba2
Jun 25, 2018 @ 19:55
By

2018 NBA MVP, ROY malalaman sa Martes

Papangalanan na ang mga indibiduwal na angat ang laro at husay sa nagdaang season sa gaganaping 2018 NBA Awards sa Santa Monica, California, Martes sa Pilipinas.

Agawan sa MVP trophy sina New Orleans Pelicans forward Anthony Davis, Cleveland Cavaliers star LeBron James at Houston Rockets top scorer James Harden.

Rambol naman sa Rookie of the Year plum sina Sixers guard Ben Simmons, Celtics forward Jayson Tatum at Jazz guard Donovan Mitchell, na dumalaw sa ‘Pinas kamakailan.

Babakuran nnina Rockets center Clint Capela, Brooklyn Nets guard Spencer Dinwiddie at Indiana Pacers guard Victor Oladipo ang Defensive Player of the Year award.

Sa Coach of the Year, maglalaban-laban sina Jazz Quin Snyder, Celtics Brad Stevens at dating Toronto Raptors Dwayne Casey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?