35

Nov 30, 2017 @ 11:26
By

2018 national budget, pipirmahan bago mag-Pasko – Nograles

Mapipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.7 trillion national budget bago mag-Pasko.

Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles, ang target na petsa ng signing ng budget sa Malakanyang ay sa Disyembre 19.

“Kaya naman naming maratipikahan bago mag-break ang session sa December 13,” pagtitiyak ni Nograles.

Pinaplantsa ngayon ng mga senador at kongresista sa bicameral conference,ang pagkakaiba sa bersiyon ng dalawang kapulungan sa pambansang pondo.

Isa sa malaking diperensya ng dalawang bersiyon sa budget ay ang P900 milyon na alokasyon sa Oplan Double Barrel ng Philippine National Police (PNP) para sa 2018.

Sa inaprubahan ng Kamara noong Setyembre, pinanatili sa PNP ang naturang pondo dahil hindi pa noon ipinapasa ni Pangulong Duterte ang war on drugs sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa inaprubahan naman ng Senado kahapon, inilipat na ang pondo sa housing para sa mga sundalo at pulis.

Sabi ni Nograles, kailangan nilang pag-aralan ito sa harap ng balak ng Pangulo na ibalik ulit sa PNP ang giyera kontra droga. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?