39

Oct 24, 2017 @ 16:47

2018 budget, may dagdag-bawas

Inakusahan nina ACT Teachers Representatives Antonio Tinio at France Castro ang Kamara na nagsingit ng alokasyon para sa pork barrel ng mga kongresista sa 2018 national budget.

Ayon sa dalawang kongresista, aabot sa P46 bilyon ang ini-reshuffle ng kapulungan mula sa P3.7 trilyon na panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.

Isiningit umano ito sa mga pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“We found a P6.95 billion increase in the budget of DPWH for its local programs from P64.831 billion to P71.782 billion. There was also an increase for the calamity fund of the Special Purpose Funds of P5.2 billion from P25.5 billion to P30.7 billion,” sabi ni Tinio.

“We also note increases in the budget of DSWD for the protective services for individuals and families in difficult circumstances of P1.93 billion from P3.418 billion to P5.349 billion,” dagdag ng kongresista.

Maging ang pondo aniya ng Kamara ay dinagdagan ng P1.652 bilyon para sa operasyon nito.

Naaalarma naman si Castro sa ibinawas sa pondo ng social services.

“The Department of Education received the biggest budget cut of P 33.072 billion from P126.033 billion to P92.961 billion. The Department of Transportation budget was also cut by P 8.237 billion,” ayon kay Castro.

Binanatan ng dalawang kongresista ang kawalan ng transparency sa dagdag-bawas ng pondo sa ilalim ng House version ng budget. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?