179
2018 bar exam result, ilalabas sa Mayo
By

2018 bar exam result, ilalabas sa Mayo

Sa buwan na ng Mayo nakatakdang ilabas ng Korte Suprema ang resulta ng 2018 Bar Examinations.

Itinakda ng Korte Suprema ang pagsasapubliko ng resulta ng pagsusulit sa May 3, 2019.

Sa record na inilabas ng Office of the Bar Confidant, mula sa 8,158 na bilang ng mga bar candidates noong 2018, tatlo lang ang hindi nagtuloy o kabuuang 8,155 ang tagumpay na natapos ang apat na linggo ng pagsusulit noong Nobyembre.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga kumuha at natapos ang bar exam sa mga nakalipas na taon.

Si Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo ang 2018 Bar Chairperson.

Nakatakda siyang magretiro sa hudikatura sa July 29 ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?