WebClick Tracer

Pagbenta ng sigarilyo sa mga estudyante, bantayan – DILG

Inatasan ni Interior Secretary Catalino Cuy sa mga Local Government Units na magtalaga ng kanilang Smoke-Free Task Force sa mga paaralan kasunod ng report na maraming kabataan ang nakakalusot na manigarilyo dala na rin ng pagiging abala ng mga school authorities sa Kapaskuhan

Partikular na nais pabantayan ni Cuy ang mga Christmas parties sa mga school premises gayundin ang pagbebenta ng sigarilyo sa labas ng mga paaralan.

Ang LGUs umano ang siyang unang ahensyang dapat nagsisiguro na mahigpit na ipinatutupad ang nilagdaang Executive Order 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 2017 na mahigpit na ipinatutupad ang smoking ban sa lahat ng government offices, paaralan, ospital at iba pang pampublikong paaralan.

“EO 26 must be complied with. This is not just a suggestion or recommendation. There are corresponding penalties to the violators, so we are urging all to abide with the law,” sabi ni Cuy.

Makakatulong din aniya ito para mamonitor mabuti ang mga kabataan laban sa paninigarilyo lalo sa kanilang paraalan kung mayroong task force na tututok dito.

Katuwiran pa nito, dahil abala ang lahat sa okasyon, napapabayaan umano ang pagpapatulad ng smoking ban partikular na ang prohibited acts gaya ng pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad.

TELETABLOID

Follow Abante News on