WebClick Tracer

Seguridad sa huling araw ng Bar exams, paiigtingin ng MPD

Mas hihigpitan pa ng Manila Police District (MPD) ang seguridad sa paligid ng University of Sto. Tomas (UST) bukas, na huling araw ng Bar examination.

Ayon kay MPD spokesman Supt. Erwin Margarejo, maraming tauhan nila ang ipapakalat sa lugar para na rin sa kaligtasan ng mga kumukuha ng pagsusulit.

Anang tagapagsalita, mayroon din umano silang ide-deploy na mga K-9 units sa paligid ng pinagdarausan ng pagsusulit.

Dagdag pa nito, simula alas-12:01 ng madaling-araw ng Linggo ay may liquor ban pa rin sa bisinidad ng UST hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Lunes.

Kaagapay naman nila ang traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau sa pagmantine ng trapiko lalo na sa hapon kung saan maglalabasan na ang mga kumuha ng exams.

TELETABLOID

Follow Abante News on