51

Dec 6, 2017 @ 16:01

2017 NBA Finals, most tweeted sports event sa Pinas

Tinanghal na most tweeted sports event sa Pinas ang laban ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers sa 2017 NBA Finals.

Ayon sa Twitter Philippines, ang ikatlong paghaharap na ito sa Finals ng NBA ng Warriors at Cavs noong Hunyo ang Most Tweeted Sports Hashtag ng 2017.

Sa NBA history, ang dalawang team na ito pa lamang ang nagkaharap ng tatlong magkakasunod na taon sa Finals.

Nanaig ang Western Conference champion Golden State Warriors kontra defending NBA champion at Eastern Conference champ Cleveland Cavaliers sa 4-1 sa 2017 NBA Finals.

Pangalawa sa Top 3 ng most tweeted ang UAAP Cheerdance Competition kung saan champion ang Adamson at sinundan ito #PacquiaoHorn.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?