23

Jan 16, 2021 @ 14:58
By

2012 pa lang, ramdam na: Harden nahulaan kampihan kay Durant, Irving?

Umalingasaw ang dating tweet ni James Harden kung saan saktong nabanggit niya sina Kyrie Irving at Kevin Durant, na ngayon ay teammate na niya sa Brooklyn Nets.

Sa binalikang tweet ng NBA Buzz, makikita na noong 2012 ay nag-quote retweet si Harden kung saan pinangalanan sina Durant bilang NBA MVP at Irving naman sa Rookie of the Year.

Sa nasabing ring tweet, sinaad na iyon ang magiging breakout season ni Harden, at kasama pa ang kanila ngayong head coach sa Nets na si Steve Nash sa Best IQ.

Halos lahat sa kanyang tweet ay nagkatotoo, nagsimulang kilalanin si Harden bilang superstar sa 2012-13 NBA season buhat nang malipat siya sa Houston, habang si Irving naman ang hinirang na Rookie of the Year.

Marami naman ang naniniwalang si Durant dapat ang nanalong league MVP noong 2012 kaysa kay LeBron James.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?