71

Oct 31, 2020 @ 16:57
By

200,000 katao pinalikas sa bagyong Rolly

Mahigit 200,000 katao sa Pilipinas ang pinag-utos na lumikas sa kanilang mga bahay nitong Sabado dahil sa pinakamalakas na bagyo ngayong taon na si “Rolly”.

Nagbabala ang mga awtoridad ng nakasisirang hangin at storm surges.

Inaasahang magdudulot ng pinsala ang bagyong Rolly sa timog-silangan ng Luzon sa Linggo bago mag-landfall sa hapon dala ang lakas ng hangin na 205 kph.

Sinasabing mas malakas ang bagyong Rolly kesa sa nagdaang bagyong Quinta na kumitil ng 22 katao sa nasabing rehiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?