67

Feb 1, 2020 @ 14:59
By

200,000 baboy pinatay dahil sa ASF

Patuloy pa rin umano ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) virus sa maraming parte ng Luzon, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Nagresulta na ito ng pagpatay sa halos 200,000 na baboy.

Batay sa follow-up report ng DA sa World Organization for Animal Health, nasa 2,891 ASF case ang nai-record sa may 300 barangay sa pagitan ng Agosto at Disyembre 2019.

Umabot sa 52,850 na baboy ang pinatay noong Nobyembre 2019 kaya tumaas sa 191,641 na baboy ang napatay na dahil sa ASF.

Kabilang sa malubhang apektado ang Pampanga at Bulacan.

Panibagong ASF outbreaks naman ang naitala sa Metro Manila, Caloocan at Quezon City.

Isinisi ng Bureau Of Animal Industry sa iligal na transportasyon ng mga hayop, swill feeding at fomites ang pagkalat ng ASF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?