20

Apr 17, 2021 @ 14:10
By

200 toneladang taklobo nakulimbat sa Palawan

Nasabat ng puwersa ng Philippine Coast Guard ang abot sa 200 tonelada ng taklobo o giant clam sa Sitio Green Island, Barangay Tumarbong, Roxas, Palawan.

Apat na suspek ang nadakip ng PCG sa pangongolekta ng taklobo na tinatayang P1.2B ang halaga.

Ayon kay PCG District Palawan Commander, Commodore Genito Basilio, ang nasabat na mga taklobo ay ang tinuturing na pinakamalaking huli sa Palawan.

Ang mga suspek ay kinilala na sina Rey Cuyos, 54; Rodolfo Rabesa, 48; Julius Molejoa, 47; at Erwin Miagao, 40.

Kakasuhan ang mga ito sa paglabag sa Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?