89

Nov 30, 2019 @ 14:23
By

200 tindahan ng vape sa Metro Manila, naisara na

Umabot na sa halos 200 vaping shop sa Metro Manila ang naipasara ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Sa loob lang ito ng dalawang linggo matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ban sa pagbebenta at pag-i-import ng mga vape product.

As of Nov. 27, nasa 198 vaping store na ang naisara dahil sa kawalan ng kaukulang mga business permit, ayon kay NCRPO acting chief Police Brig. Gen. Debold Sinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?