86

By

200 street sweeper nilinis ang Manila Bay

Nasa 200 street sweeper ang itinalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mamulot ng basura sa dalampasigan ng Manila Bay sa isinagawang clean-up drive.

Kaya naman umabot sa pitong dump truck o may 34 ton ng basura ang nakuha ng mga street sweeper na mula pa sa iba’t ibang lugar ang itinalaga ng MMDA na inumpisahan bandang alas-sais ng umaga.

Ayon kay Francis Martinez, hepe ng MMDA Metro Parkways Clearing Group (MPCG), matagumpay ang naganap na clean-up drive kasabay ito ng ika-43 taong anibersaryo ng MMDA kaya ang pag-promote ng paglilinis sa Manila Bay ang isa sa kanilang ginawa.

Nagkalat ang mga basura sa Manila Bay na tulad ng mga plastic, maging ang kawayan mula sa mga fish pen at water lily na inanod pa noong nagdaang bagyo at sa dalampasigan ng Manila Bay tumambak ang mga basura.

Muling paalala ng MMDA na iwasan na ang pagtatapon ng basura sa mga kanal at estero, lalo na sa Manila Bay dahil nakakasira ito ng tanawin para sa mga nais na makita ang sunset sa may dalampasigan sa Roxas Boulevard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?