127

By

200 Pinoy nurse, panalo sa human trafficking case sa NY

Nagtagumpay ang mahigit 200 Filipino nurse na nagtatrabaho sa nursing homes sa New York laban sa abusado umano nilang employer.

Kaugnay ito ng sinampang kaso ni Rose Ann Paguirigan sa ilalim ng Trafficking Victims Protection Act (TVPA) laban sa mga may-ari ng Sentosa group of nursing homes.

Batay sa ulat, kabilang si Paguirigan sa mga Filipino nurse na nakakaranas ng “terrible work conditions” sa Sentosa Nursing Homes.

Gustuhin man umano ni Paguirigan na umalis sa naturang nursing home, hindi maaari dahil sa kanyang kontrata, nakasaad na makakaalis lang siya kung magbabayad ng multang $25,000.

Kaya dinala nila ang kaso sa korte at giniit na iligal ang $25,000 penalty na pinaboran naman ng judge.

Batay sa ruling ni New York federal judge Nina Gershon, nilabag ng mga may-ari ng Sentosa na sina Benjamin Landa at Bent Philipson ang TVPA.

Samantala, inaayos pa ang halaga ng damage na babayaran ng Sentosa sa mga inabusong nurse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?