81

Mar 25, 2020 @ 11:46
By

200 pasaway swak sa curfew

Umabot sa mahigit 200 na ang bilang ng mga indibidwal na sinita at hinuli sa lalawigan ng Cagayan dahil sa paglabag sa curfew sa harap ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Cagayan Police Provincial Office (CPPO) director P/Col. Ariel Quilang, batay sa datos hanggang March 24, nasa 210 ang nahuli mula sa iba’t ibang bayan sa nasabing lalawigan.

Sinabi ni Quilang, pinakamarami sa mga nahuling lumabag sa curfew ay mula sa Tuguegarao City, sumunod ang bayan ng Solana at Lal-lo.

May ibang paglabag din na ginawa ang iba sa mga naaresto, tulad ng pagiging lango sa alak at pagtambay sa kalsada sa panahon ng curfew.

Kasong paglabag sa RA 11332 for non-cooperation at reklamong paglabag sa Revised Penal Code Article 151 o “simple disobedience on operation of checkpoint” aniya ang nilabag ng mga nahuli sa curfew.

Muli namang hinikayat ng CPPO ang mga residente na makiisa sa sinasagawang curfew mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?