44

Jul 5, 2020 @ 15:57
By

200 pang Pinoy sa Japan, nakauwi na

Nadagdagan ng 204 ang bilang ng mga stranded na Pinoy sa Japan na nakabalik na ng bansa.

Kinasa ng Philippine Embassy sa Tokyo ang ikatlong repatriation flight noong Sabado, katuwang ang Philippine Consulates-General sa Osaka at Nagoya, Department of Foreign Affairs, Philippine Overseas Labor Office-Tokyo at Cebu Pacific.

Kabilang sa mga nakauwi ay mga turista, mag-aaral, at overseas Filipino worker.

Kaya naman, 815 na ang mga nakauwing Pinoy mula Pebrero, matapos nasa 445 seafarer sakay ng M/V Diamond Princess at nasa 166 stranded individual noong Hunyo 1 ang kapwa nakauwi na sa ‘Pinas.

Samantala, sinabi ni Embassy Deputy Chief of Mission Robespierre Bolivar sa PNA na lahat ng mga alam nilang COVID-19-positive na Pinoy sa Japan ay gumaling na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?