51

Jul 7, 2020 @ 17:28
By

200 pamilya nawalan ng bahay sa sunog sa QC

Nasa mahigit 200 na pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Talipapa, Quezon City.

Isang fire volunteer naman ang nasugatan sa sunog na nagsimula bandang alas-11 ng umaga nitong Martes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot hanggang ikatlong alarma at naideklarang fire out ang sunog alas-12:29 ng tanghali.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog na sinasabing nag-umpisa sa bahay ng isang pamilya Escalanda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?